Alulod
Nakabibinging katahimikan,
naririto at nananahan.
Taal ng panaghoy ng kalikasan.
Dito, ulan naghahabulan.
Taal ng Nakabibinging ulan.
panaghoy Dito, naghahabulan.
Kalikasan. ng katahimikan,
naririto at nananahan.
Butil, patak, buhos, agos
ng ulan, patay nakamamatay!
Sa lagaslas nito'y walang alpas
Hindi akong kaluluwang alang husay.
Isa, sige, dalawa at hala!
Apaw . . . apaw . . . Tatlo, apat, lima?
Lintik! Alulod, ginawang takbuhan
nitong sa dibdib, hagupit ng ulan.
Sa bawat pintig, ulan, aray!
Bakit yaring buhay ang alay-alay,
Siya ring gawang daluyan
Bakit, oh ang puso ko! . . . ng kalungkutan.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home