Perfecto Imperfecto
I.
Isang galos,
sa bukung-bukong;
Dalawang peklat,
sa magkabilang tuhod.
Poknat sa kilay
laslas sa binti
bakas ng bulutong
tahi sa talampakan (pesteng kulugo!)
at sandamukal na pelegis sa mukha...
San ka pa?
II.
Sosyalan
Inuman
Mingle mingle
Tete a tete
Ano pa?
Puta!
Sosyalang walang patumangga
Plastikan!
Gastos na malaki,
Yabang lang ang silbi.
III.
Nang dahil sa pera…
Naantala
Nabitin
Lintik na kapitalistang burukrasya!
Nagpakaalipin
Nagpakaputa!
Kursong pangmadla
Iskolar ng Bayan;
College drop out?
Huwag naman sana;
IV.
Pestihong korporasyong Kano,
Mapanlinlang.
Urbanong pamumuhay
Pain lamang.
Magarang tanggapan
Kahalihalinang benepisyo
Kulturang bago
Pananalitang huwad
Lahat banyaga!
Mga ampaw naman ang tauhan!
Teka, quarter-life crisis ba ito?


0 Comments:
Post a Comment
<< Home